ang sarap talaga pag pinag hirapan mo, there is no such thing as free lunch here in america.
sa pilipinas nung nag apply ako ng drivers license....ganito ang mga pangyayari.
punta ako sa officer in charge of course todo porma ng pampari, success agad kasi nahalata agad ni manong na pari ako so ang mga sumunod na pangyayari ay di ko na ikinagulat.....ang sabi ni manong "uuuyyy father, mag aaply po ba kayo ng driver's license.....ang sagot ko naman...with pabanal effect...."opo po sana kaso nalilito po ako kung papa-ano" ang sagot ni manong, "nako father wag kayong mag alala, at napakadali lang, upo kayo dito father" upo naman ang pari sabay sabi...."nako Sir, nakakahiya naman at ang daming nakapila sa labas"....sagot ni sir, nako father ok lang yan pari naman kayo.......dyaaaarrrrraaaannn....walang ilang minuto may license na ko hehehehe!!!! big time.
ganito naman ang mga pangyayari dito sa amerika.....
hanap sa internet ang DMV, department of motor vehicle! ok one click tapos set ng appointment, ayos din one click then print ng appointment. Araw ng pag aaply....kontodo bihis ulit ako ng pampari.....pagdating sa DMV.....wa-epek ang damit na pang pari....parang walang nakahalata.....meron pala...masama ang tingin nung iba kasi ang mga pari dito sa amerika ang tingin ng iba eh mga rapist, child molester at sex addict. So, pila si Father Rafael......parang wala lang di na lang sana nakapag damit ng pari hehehehe...then sa pila kuha ng number....tapos intay bago matawag...tapos punta sa window....tapos investigation ba? daming tanong....daming hinihinging papeles tapos daming verification....haaaayyy nako tapos...tinanong pa kung bakit father, anong ibig sabihin ng priest......anong ginagawa sa america haaaaayyyyyyy.....ok then bayad di nakalibre..........then kuha ng exam....then are ke....BAGSAK!
sa exam 1-36 dapat 6 and below lang ang mistakes....sa unang exam ang mistakes ko eh 9....so sabi ko sa sarili ko, 9......3 right answers lang pwede na...so sabi ko sa amerikana sa table....pa slang effect...can i take another exam....sabi ng amerikana sure you have three chances. Ok.
so kuha naman ako ng exam....ayon to make the story short...bagsak na ulit...tapos ito pa ang masakit.....11 mistakes naman ngayon nadagdagan pa....haaayyyy so sabi ko sa amerikana....I think I need to study first.......ok we have over there a free manual....so kuha ako sabay uwi ng masama ang loob huhuhuhuhuh.
pag kalipas ng isang buwan.........pagkatapos gumana ang "pilipino connections", pagkatapos magsunog ng kilay sa pag aaral ng manual at mga test papers na galing sa mga pinoy, kasama na rin yung mga kanin at tuyo at adobo na kasama ng mga test papers.....kanina kumuha ulit ako ng exam....kabado pa rin at di na naka damit na pampari at wah effect din.....sabi sa akin ng amerikana.....whooooooo no mistakes at all 36/36......haaaayyyyy sa wakas.....tapos set nang appointment para sa hands-on naman, actual driving exam na.......ok ibang kwento na ulit ito...abangan na lang.
ito mga natutunan ko:
1. there is no such thing as free lunch dito sa amerika
2. lahat dito pantay pantay pwera na lang kung girlfriend mo si paris hilton o boyfriend mo si kobe bryant...pwede rito kasi pwede same sex marriage hehehe
3. ang sarap ng pakiramdam dahil pinaghirapan ko yung exam
4. si Lord talaga eh very good in giving second chances...third...4th...5th
5. kailangan kong mag practice ng actual driving kasi kabaliktaran lahat ng natutunan ko sa pilipinas
ok geh geh pagdasal nyo ko para makapasa ko sa actual driving exam dios te bendiga!
1 comment:
yey, finally!! hehe! congrats! :) now, ingat sa pagdrive, ok? ;)
Post a Comment