Monday, October 27, 2008

Dis...funk.....syonal......

Pansin ko lang lahat dito sa Amerika Organisado as in sobrang organisado....ang batas lalo na ang batas trapiko, ang mga manners ng mga tao, pag nagpatakbo sila ng event, pag nag apply ka for services sa government as in lahat ok, pati yung oras nila sobrang organisado sa november first law dito sa california na magbabawas ng isang oras kasi ala syete na nang umaga ang dilim dilim pa kaya simultaneous yon lahat magbabawas, tapos lahat by appointment...as in sobrang organisado kaso lang eto ka..........kung lahat lahat dito organisado isa lang ang hindi organisado.....ANG PAMILYA.

Lahat ng amerikanong sinabihan ko nito isa lang ang reaction.....your damn right father!!!

haaayyy nung isang araw may isang case dito yung kuya kagagaling lang ng iraq dala pa sa bahay yung service assault riple nya tapos nagkaroon lang ng konting mis understanding tungkol sa celfon....as in tungkol sa celfon......ayon binaril yung kapatid....dead! as in dead.

eto mas matindi wag na lang ipagkakalat.....at warning not for minors....gabayan ang mga batang magbabasa.....may isang nanay nagselos sa baby dahil yung tatay eh puro na lang sa baby yung attention......yon isang araw umuwi si tatay sa bahay at dinatnan si mommy na may nilutong napakasarap na putahe at eto ka ang putahe...si baby as in si baby na pinagseselosan nya ay inilagay sa microwave at syang inihain kay daddy.....sabi ni daddy...wow...delicious what is this.....sabi ni mommy...your favorite baby......pagkatapos ang nangyari si daddy eh nasiraan ng bait tapos si mommy eh of course nakulong ang hatol eh life imprisonment without the possibility of parole haaaaayyyyyy 

kaya lessons:
1. napakahalaga ng buo ang pamilya...na organisado ang pamilya
2. sa pamilya nagmumula ang karanasan ng unang simbahan....domestic church
3. patuloy nating ipagdasal ang kasagraduhan ng pamilya at labanan ang mga sumisira dito....amen??? amen!!!


1 comment:

fe tapalla said...

hi father..thanks sa comment ha. Like ko talaga ang magsulat at magbasa. I find it relaxing. Kaso pag may free time lang ako nakakapag-blog. Sabi mo ituloy ko ang blog, sure. May second entry na ako :)

father totoo ba yung case nung microwave baby??? my gosh..shocking!!